
current mood
moi
::gillian::
::gee::
::gillibean::
::gillibeanmanok::
::gillibeaniebaby::
::17 years old::
::a student of UP Manila::
::UPCM class 2010::
psychobabble
::currently dreaming under the stars::
::loves her parents to pieces::
::loves to cook::
::silent::
::psychotic::
::patient::
::frustrated basketball player::
::frustrated volleyball player::
::frustrated pianist::
::frustrated guitarist::
::tubong mindanao::
good reads
::agnes::
::aisa&mickey::
::albert::
::gerald::
::intarkids::
::jimjim::
::jm::
::kathy::
::katrina::
::km::
::lyle::
::maan::
::mark::
::mere::
::mickie::
::paola::
::reci::
::sedricke::
::sheena::
::sheng::
you are visitor number
Free Counter
recent rants
Procrastinating
Windang
Pag-Ibig Nga Naman
Blah
Shopping With A Hangover
Tired
Euphoric
Whatever
Pasaway
Temporary Detox
look into the past
April 2004
May 2004
June 2004
July 2004
August 2004
September 2004
October 2004
November 2004
December 2004
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
[2 parts ho ito dahil hindi ko agad natapos ang entry before kami nag-lunch ng daddy dear ko] 1:35 p.m. ANG ATING AWIT dito sa sulok ng kwarto [chorus] isang minutong nakalipas pero 'di mo marinig [chorus] --- o, diba? kakaiba din ang kanta na nagawa namin. wahahaha... wala pa po siyang tono. ewan ko kung magagawan ba.. mukhang mahirap dahil walang metering.. si ginoong Tacang po ang gumawa ng last four lines. kaya niyo ba 'yon? aba, Pisay ata yan! (with matching hand movement na ala "talk-to-the-hand") paglabas ko ng kuwarto kanina pagkatapos kong maligo, medyo nawindang ako dahil parang napaka foggy ata ng unit namin. akala ko mata ko lang, so nag blink ako ng ilang beses. ganun pa rin. sunog ba ito? nawindang nanaman ako. kaya lang, may sunog ba na amoy bayabas? wala naman ata. may goolai, pagtingin ko sa gilid ng bookshelf namin, nag sindi pala ang aming katulong ng incense. cranberry pala iyon, at hindi bayabas. pero pramis, pareho sila ng amoy... lalo na yung maliliit na bayabas na pink/peach yung loob. yummmmm. malapit ng mag alas-dose ng hapon at hindi pa kami nakapag lunch ng dad ko dahil nagpatulong ang pinsan ko sa kanyang feasibilily study para sa T.H.E. nawindang ulit ako. anong feasibility study eto? hindi pa uso yan nung panahon namin (naks). yung T.H.E. kasi namin nung 4th year kami ay electricity (kawindang talaga na buhay). nag soulder kami at gumastos ng ilang daan para sa mga baterya at light bulbs. ni minsan hindi ko na experience yang feasibility study na iyan. ang sosyal nila ha. ano kayang kakainin namin ng daddy ko? mukhang masarap mag Dulcinea kaya lang... parang gusto ko ng inihaw na baboy o manok. iba talaga pag uling ang ginamit sa pag-ihaw. mas masarap at malasa, di gaya nung mga electric grills. hmph. 7:30 p.m. nag-lunch kami ng dad ko sa Kaya Express.. yung Korean restaurant sa tabi ng Gloria Jean's. nakakain din ako ng inihaw na manok. wahahaha.. ang weird talaga. kagabi napanood namin ni tippee ang my sassy girl. sa wakas. matagal ko na kasi siyang gustong panoorin. pano naman kasi, may isa akong friend na "rocker dude" kumbaga. astigin and stuff like that.. and once ko lang siya narinig mag gush - it was when he was telling us how nice my sassy girl was, that we should really watch it, blah blah blah. natuwa talaga ako habang pinapakinggan ko siya, kaya talagang gusto kong panoorin at malaman kung ano ba ang nakapag-palambot (kung may word man na ganon) sa kaibigan kong ito. so yun, last night we watched it. nun ko lang nalaman na Korean film pala siya.. haha. napaka American kasi ng title eh, nagulat nalang ako na isang Koreano ang lumabas sa screen. the movie was funny.. it was okay. i was a wee bit disappointed because i had pretty high expectations, but it was okay nonetheless. natawa naman ako.. kawawa yung guy. they had a very unique relationship - ngayon ko lang na-encounter yung ganon na love story. a bit far-fetched, yeah, but i don't think it's that impossible. panoorin niyo nalang para matawa kayo. :D ilang oras ko nang binabasa etong cis- at trans-regulatory proteins. hindi ko talaga matandaan ang kanilang definitions.. pangit kasi ang pagka phrase kaya hindi na re-retain ng utak ko. haha. sisihin ba naman ang pagka phrase. pero kasi naman, ano ba namang pakialam ko sa genes natin? nilagay na sila ni Lord diyan para gawin ang kanilang trabaho, at nagawa, ginagawa at gagawin nila eto kaya wag na natin pakialaman. mas gumugulo ang buhay eh. talaga naman ang tao oh.. masyadong pakialamero. may physics problem set pa pala. naku.. isa pa yan. bakit ba natin ginugulo ang sound waves? tinatamad lang talaga ako mag-aral kaya inaaway ko ang mga subjects ngayon. *bow*
Sunday, February 27, 2005
Bayabas
(Nacasabog, Datukon, Abesamis, Dofitas, Rivera, Tan, Tacang)
ako'y may sariling mundo
naiilang, nawiwindang
ang aking isipan
'di ko alam ang gagawin
nagbibilang
hanggang
pansinin mo ako
nandito lang sa tabi mo
nangangarap maging buwan
sa madilim na langit ng kalawakan mo
umaasa na balang araw makikita mo
ang liwanag na siyang ako
mag pa-pass na lang ba ako
o gagawin ko na 'to?
isang taon ng pagtatago
bakit ka ganito?
'di pa rin kumikibo
sinisigaw ng aking puso
ang pangalan mo
pagsamo ng aking himig
paano mo ba mababatid
ang diwa ng ating awit?
hooooh..
if all else fails, would you be there to love me?
when all else fails, would you be brave to see right through me?
+++++++